Babae sa US, arestado sa pagmamaneho habang nasa hood ng kotse ang 5-anyos anak

Inaresto ng pulisya sa South Carolina ang isang babaeng kinuhanan umano ng video ang sarili na nagmamaneho habang nakaupo sa hood ng sasakyan ang 5-taon-gulang niyang anak.

Sumuko si Thrista Miquisha Johnson, 26, noong Martes, matapos makarating sa Rock Hill police ang tungkol sa video at maghain ng warrant laban sa kanya, ayon sa ulat.

Batay sa pulisya, kinuhanan ang video malapit sa apartment building sa lungsod, dalawang araw ang nakararaan bago magpakita ang babae.


Hindi malinaw kung gaano kabilis ang takbo ng sasakyan, ngunit wala namang tinamong pinsala ang bata.

Inilalakad na rin sa social services department ang tungkol sa kostudiya ng anak ni Johnson.

Sinampahan ang nanay ng child neglect.

Facebook Comments