Babae sa US, patay matapos lapain ng alagang bulldog

(Unsplash)

Nasawi ang isang babae mula Illinois, US matapos atakihin ng kanyang alagang bulldog sa loob ng kanyang sariling bahay.

Ayon sa ulat ng WGN news agency, natagpuang wala ng buhay ang biktimang si Lisa Urso, 52, ng kanyang kaibigan noong Sabado ng gabi sa loob ng kanyang bahay.

Matinding sugat sa leeg, mga braso at binti ang tinamo ni Urso at punong-puno raw ng kagat at kalmot ang kanyang buong katawan base sa report ng pulisya.


Naiulat na ampon lang ng biktima ang alagang bulldog na napasama na rin sa ilang away.

Natagpuan din itong duguan habang nasa isang coat.

Samantala, naireport na una nang inatake ng aso ang nobyo ng biktima kaya ibinalik ito sa animal shelter matapos ang insidente.

Ngunit muli raw itong kinuha ng biktima at inuwi sa kanilang bahay bago mangyari ang trahedya.

Matapos nito ay kinuha na ng animal control officers ang mga alagang aso ng biktima at inilagay sa kanilang kustodiya.

Facebook Comments