Manila, Philippines – Sugatan ang isang babae matapos saksakin sa kaliwang braso sa loob Roman Catholic Cemetery sa Arnaiz Avenue, Pasay City.
Nakilala ang biktima na si Pinky Conquilla habang agad naman nadakip ang suspek na si Cristito Baite, na tindero sa loob ng sementeryo.
Sa ulat, lasing na lumusob ang suspek sa bahay ng biktima matapos pagbintangan na nambato sa bubong ng kanilang bahay.
Nakasagutan nito ang anak na lalaki ng biktima kung saan bumunot ng balisong ang suspek saka inundayan ng saksak ang ginang.
Tinangka pang tumakas ng suspek pero naharang at naaresto ito ng mga nagpa-patrolyang tanod.
Napag-alaman na matagal ng may alitan ang dalawa matapos na paulin ng suspek ang menor de edad na anak ng biktima.
Facebook Comments