Babae sinunog ang sulat mula sa ex-BF; apartment aksidenteng nadamay

905

Bukod sa pagmamahal at sulat ng ex-boyfriend, aksidenteng nasunog ng isang 19-anyos na dalaga ang isang bahagi ng tinutuluyang apartment sa Lincoln, Nebraska noong nakaraang linggo.

Batay sa imbestigasyon ng Lincoln Police Department, nag-desisyon si Ariauna Lillard na sunugin ang mga liham na ibinigay ng dating nobyo sa loob ng kaniyang kuwarto.


Sa kasamaang palad, iniwanan niya sa carpet ang umaapoy na liham sabay natulog.

Makalipas ang ilang sandali, biglang nagising si Lillard dahil sa tunog ng smoke detector.

“The woman assumed that because the letters were only smoking, that they wouldn’t catch fire,” pahayag ng pulisya.

Kaagad itong kumuha ng tubig para masugpo ang lumalaking apoy at binuksan ang mga bintana bago siya umalis sa tinitirahang apartment.



Tinatayang mahigit $4,000 o P208,000 ang naitalang danyos ng sunog.


“The woman told the officers that she didn’t mean for the fire to spread,” dagdag pa ng awtoridad.

Sinampahan ng kasong reckless burning si Lillard at haharap sa korte sa darating na Oktubre 16.

Facebook Comments