Quezon City – Nawalan nang malay ang isang babae matapos mahulog sa sinasakyang bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ang biktima, nagmadali umanong makababa.
Ayon sa driver ng Mafel Bus, sumakay ang babae sa bahagi ng Batasan pero nagsabing bababa na lang dahil sa Baclaran pala ang punta niya at ibang bus ang dapat niyang sakyan.
Aniya, sinabihan naman daw nila ang babae na itatabi lang ang bus pero nagpilit daw itong bumaba kaya natumba at tuluyang nahulog mula sa bus.
Kaagad na dinala sa East Avenue Medical Center ang biktima na hindi pa rin alam ang pagkakakilanlan.
Facebook Comments