Isang babae ang sugatan matapos magbanggaan ang isang truck at isang kotse sa Don Teofilo Sison Bridge, McArthur Highway, Villasis, Pangasinan.
Batay sa imbestigasyon, binabaybay ng truck na may kargang 250 sako ng palay, ang hilagang direksyon ng nasabing tulay habang patawid naman sa highway ang kotseng minamaneho ng biktima.
Pagdating sa interseksyon, bumangga ang kotse sa paparating na truck mula sa pababang bahagi ng tulay, na nagresulta sa pagkakasugat ng babaeng drayber.
Dinala ito sa ospital para sa gamutan, habang hindi naman nasaktan ang lalaking drayber.
Parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan at dinala sa Villasis Municipal Police Station para sa wastong disposisyon.
Facebook Comments









