Babae, sugatan sa salpukan ng motorsiklo at kotse sa Quezon City

Manila, Philippines – Sugatan ang isang babaeng angkas ng motorsiklo matapos sumalpok sa isang kotse sa Commonwealth Avenue, Brgy. San Vicente, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Joyce Anne Ferrer residente ng Brgy. Holy Spirit na nabalian ng kaliwang binti.

Ayon kay Marc Gamboa, driver ng kotse, papasok sana siya sa inner lane ng Commonwealth Avenue-Eastbound lane nang salpukin siya ng motorsiklo sa bahagi ng motorcycle lane.


Sa lakas ng impact, tumilapon ang angkas ng motorsiklo habang mapalad namang hindi nasaktang ang lalaking driver nito.

Hindi naman mabanggit ng driver ng kotse kung sino ang may kasalanan sa aksidente.

Sinabi naman ng rumespondeng tauhan ng MMDA na posibleng hindi nagbigayan ang dalawang motorista.
Dinala sa East Avenue Medical Center ang biktima habang nangako naman ang driver ng kotse na sasagutin ang pagpapagamot dito.
DZXL558

Facebook Comments