Babae, tinubuan ng pubic hair sa mukha matapos sumailalim sa skin grafting upang ayusin ang kagat ng aso

Crystal Coombs. Image: Scrrengrab via E! Entertainment’s video/YouTube

Literal na bulbol ang tumutubo sa mukha ng isang babae matapos gamitin ng doktor ang balat mula sa kanyang singit upang ayusin ang pinasalang gawa ng kagat ng aso.

Dumulog si Crystal Coombs sa “Botched”, reality TV show na pinangungunahan ng mga plastic surgeon na sina Terry Dubrow at Paul Nassif, upang ipaayos ang nasirang operasyon.

Kuwento ni Coombs, 9-anyos lamang siya noong makaagat ng pit bull, dahilan para matapyasan ang bahagi ng kanyang mukha.


Dinala umano siya sa emergency room (ER) para gamutin, ngunit nanatiling bukas ang kanyang sugat dahil inimungkahi ng mga doktor na maghintay ng plastic surgeon.

Ayon kay Nassif, masuwerte pa rin sa Coombs na hindi ginalaw ng mga ER physician ang sugat dahil hindi pareho ang kasanayan ng mga ito sa mga plastic surgeon.

Inirekomenda ng nakilala nilang plastic surgeon noon na balat mula sa kanyang singit ang kuhanin at gamitin sa operasyon.

Nagsimulang tumubo ang bulbol matapos ang proseso– bagay na hindi niya maalalang sinabi sa kanya ng doktor na mangyayari.

Kaiba sa ginawa ng doktor, karaniwang pinagkukunan umanong parte ang tiyan at likod, ayon kay Dubrow.

Sa kabila ng kinalabasan, maayos umano at gawa ng dalubhasa ang operasyon.

Hindi naman daw ikinabahala ni Coombs ang kakaibang patse sa mukha, ngunit mula nang nagkaroon siya ng anak, nag-aalala siyang maging tampulan ito ng tukso dahil sa itsura ng ina.

Tinanong ni Coombs sina Nassif at Dubrow kung posibleng remedyohan o paliitin man lang ang patse, ngunit maingat ang mga doktor at iginiit na maging ang maliit na pagbabao ay maaaring magresulta sa pagkasira ng kabuuang hugis ng mukha.

Facebook Comments