Babaeng bibili ng alak, nangagat nang maunahan sa pila sa tindahan

512

Lasing pa nang ipasok sa kulungan ang isang babae sa Valenzuela City na nambugbog at nangagat matapos maunahan sa pila sa tindahan na pagbibilhan niya ng alak noong Sabado, Hunyo 13.

Dinakip si Mary Claire Antonio, 24, habang kinilala naman ang nagulping biktima na si Jenevieve Caacbay, 20, kapwa residente ng Barangay Arkong Bato.

Batay sa ulat ng pulisya, bibili ng makakain si Caacbay nang maunahan sa pila si Antonio na gusto pa umanong makaiskor ng alak.

Sa galit ng babae, binugbog nito ang biktima at humantong pa umano sa pananakal.

Tinangka pa umawat ng residenteng si Jerame Belda, 32, ngunit kagat naman ang inabot niya mula sa gigil na si Antonio.

Nahaharap si Antonio sa kasong attempted homicide at paglabag sa liquor ban.

Facebook Comments