Babaeng biktima ng hit-and-run sa Pasig, pumanaw na, suspek sumuko

Pumanaw na ang babaeng comatose na biktima ng hit and run sa Pasig.

 

Kinilala ang biktima na si Rossana Ugto.

 

Makikita sa viral video online na binabagtas ng mga biktima ang Marcos Highway sakay ng kanilang motorsiklo nang masagi sila ng isang kotse.


 

tumakas papalayo ang driver ng kotse na si Adrain Russel King Carlos pero sumuko din kinalaunan.

 

Itinanggi naman ng suspek na lasing o naka-droga siya noong nangyari ang insidente.

 

Nangako rin ang suspek na sasagutin niya ang pagpapalibing kay ugto gayundin ang gastos sa ospital.

 

Mahaharap si Carlos sa iba’t ibang kaso kabilang na ang reckless driving.

Facebook Comments