Babaeng biktima ng human trafficking, naharang ng Bureau of Immigration

Isa na namang biktima ng human trafficking ang naharang ng Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA).

Patungo sana ng United Arab Emirates ang babaeng Overseas Filipino Workers (OFW) nang mabuking ito ng immigration agents dahil sa kanyang clearance mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon sa Bureau of Immigration, ginagawa na rin ng human traffickers ang pamemeke ng  stamp at pirma ng mga tauhan ng POEA


Umamin din ang biktima na ang bilin sa kanya ng kanyang handler ay magpakilalang turista sa kanyang pag-check in sa airline at pagdating sa immigration counter ay pipila siya sa lane para sa OFW’s.

Facebook Comments