Babaeng biktima ng illegal recruitement para magtrabaho sa Nigeria, naharang ng BI sa NAIA

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 33-year-old na babae na lalabas sana ng bansa at iligal na magtatrabaho roon.

Tutungo sana ng Nigeria at sasakay sa Airways flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang biktima.

Nang tanungin umano ay nagsinungaling pa ang babaeng biktima at sinabing bibisitahin niya ang kanyang Nigerian husband ngunit agad din naman nalaman na peke ang naturang dokumento o fake marriage na nakuha galing sa isang online agent.

Sa huli, inamin din ng pinay na wala talagang kasal na naganap at katulong ang kanyang inapplyan na may sahod na P35,000.

Facebook Comments