Babaeng biktima ng illegal recruiter, nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Mactan-Cebu International Airport

Naharang at nasagip ng Bureau of Immigration sa Mactan-Cebu International Airport ang isang Pinay na nagtangkang lumabas ng bansa patungo sana sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Immigration Protection and Border Enforcement Section Team Bienvenido Castillo III, nasa 26 years old umano ang babaeng biktima ay umamin na siya ay ini-sponsoran ng umano’y Chinese national na nakilala lamang sa isang social media group.

Pinangakuan umano ito ng trabaho bilang isang private tutor at kasambahay na may sahod na ₱25,000 kada buwan.


Pinag-iingat naman ng ahensya ang publiko at mga pinoy na nais magtrabaho na mag-ingat sa mga nakikilala online na nag-aalok ng trabaho.

Pinayuhan ng Immigration na dumaan na lamang sa tamang proseso sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang sangay ng gobyerno.

Facebook Comments