Babaeng Chinese mula Hubei, China, natagpuang patay sa tinitirahan sa Maynila

Isang 45 years old na babaeng native ng Hubei, China ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang inuupahang unit sa isang gusali sa Binondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Li Ming Shi, alias ‘Andy Ang,’ na isang online seller at nangungupahan sa Neco Building sa Binondo.

Unang nagpasaklolo ang kaanak nito dahil sa hindi pagsagot ng biktima sa kanyang mga tawag.


Agad naman na tumawag sa Manila Police District ang barangay officials sa lugar para humingi ng tulong.

Nadatnan ang biktima na walang damit at wala ng buhay sa kanyang reclining chair.

Ayon sa kanyang kamag-anak, may karamdaman ito bagamat hindi tinukoy kung ano ang sakit ni Li.

Isinasailalim na ngayon sa autopsy ang labi ng babaeng Chinese national.

Facebook Comments