Babaeng Corrections Technical Officer ng BuCor sa Bilibid, sinuspinde matapos mahulihan ng iligal na droga

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang preventive suspension sa babaeng Corrections Technical Officer ng BuCor.

Ito ay matapos mahulihan ng iligal na droga ang naturang BuCor personnel.

Ayon kay Catapang, ang dalawang plastic sachets ng shabu ay inilagay ni CTO1 Melchora Wong sa supot ng pandesal.

Siya ay nahuli ng kanyang kasamahan sa routine inspection sa New Bilibid Prison Gate 1 sa Maximum Security Compound.

Facebook Comments