Babaeng COVID-19 patient sa QC na tumakas sa ospital, nahanap na!

Nakita na sa isang subdivision sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City ang COVID-19 patient ng Quezon City Health Department na hinihinalang tumakas.

Ayon kay QCDRRMC Myke Marasigan, walang nakalagay na pangalan ng subdivision sa ibinigay na address ng pasyente sa ospital kung saan siya nagpatingin.

Kaya’t nang hinanap ang address sa lungsod, Tandang Sora ang lumabas na lugar na unang pinaghanapan ng grupo.


Pero ang kaparehong address ay matatagpuan din pala sa loob ng isang subdivision sa Batasan Hills kung saan nakumpirmang nakatira ang pasyente.

Sabi pa ni Marasigan, nakausap na nila ang pasyente na naka-isolate na sa isang kwarto.

Naka-home quarantine na rin, aniya, ang mga kaanak nito at nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Facebook Comments