
Isang babaeng dalaw ng isang inmate ang nahulihan ng shabu ng mga tauhan ng Muntinlupa City.
Kinilala ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio. Catapang Jr. ang dalaw na si Rovelyn Fabillar.
Ang naturang registered visitor na person deprived of liberty (PDL) na si Lester Martin Ramos ay nahulihan ng shabu sa kanyang private part.
Na-detect ang iligal na droga nang isailalim sa full-body scanner ang dalaw.
Si Fabillar ay nai-turn over na sa Muntinlupa Philippine National Police (PNP) habang ang nakumpiska na shabu ay nai-submit na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa proper disposition.
Facebook Comments