Babaeng dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP, arestadong muli sa isinagawang operasyon ng PDEA

Manila, Philippines – Arestadong muli sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating drug surrenderee at wanted person sa Poblacion, Leganes, Iloilo.

Kinilala ang suspek na si Hope Villanueva, 31-anyos, na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang pero muling bumalik sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nakuha mula kay Villanueva ang limang sachet ng shabu at P500 na buy bust money.


Bukod dito, nahaharap din sa kasong murder, pananaga at pagnanakaw sa bayan ng leganes ang naturang suspek.

Facebook Comments