Babaeng dinuruan sa isang train station sa England, sawi sa COVID-19

Sawi mula sa coronavirus disease 2019 ang isang babae na nagtatrabaho bilang ticket officer sa isang train station sa London, UK matapos itong duraan ng hindi kilalang lalaki.

Ayon sa report ng Transport Salaried Staffs Association, nagtatrabaho noong Marso 22 ang biktimang si Belly Mujinga,47, sa rail hub ng Victoria train station nang biglang duraan at ubuhan ng isang lalaki.

Kasabay daw nito ay sinabi ng lalaki na mayroon siyang COVID-19.


Agad na isinugod sa ospital si Mujinga maging ang kanyang kasamahan na nagpositibo rin sa virus.

At noong Abril 5, nasawi ang biktima dahil sa naturang sakit.

Dahil sa nangyari, nagsagawa ng imbestigasyon sa train station ang British transport cops.

Facebook Comments