Babaeng Drayber, Nakipag-gitgitan sa Traysikel

Cauayan City, Isabela – Aktong mag-oovertake na sana ang isang Honda Civic na kotse ng aksidenteng masabitan nito ang sinusundang traysikel sa kahabaan ng Maharlika Highway dakong alas dose y media ng tanghali ng Enero 23, 2018.

Napag-alaman na ang Honda Civic ay nakapangalan sa BTP Rental Corporation na minamaneho ni Juanita Calba, isang Sales Excecutive, 29 anyos at residente ng Irisan Baguio City.

Kinilala naman ang drayber ng traysikel na si Rogelio Henay Sr., 36 anyos, at residente ng Barangay Pissay Angaddan Isabela.


Sa imbestigasyon ng pulisya, umovertake umano si Calba sa kanang bahagi ng daan na nagresulta ng gitgitan sa pagitan ng minamaneho nitong kotse at traysikel ni Henay.

Maliban sa natamong pinsala ng dalawang sasakyan, wala naman umanong nasaktan sa nasabing insidente.

Facebook Comments