Babaeng dumulog sa tanggapan ng CICC para magreklamo, pinigil matapos madiskubreng sangkot pala sa investment scam

Naka-hold o pinigil ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang isang 23 anyos na babae na dumulog sa naturang tanggapan.

Nagpapasaklolo sana ang babae dahil sa mga natanggap niyang death threats online.

Habang sumasailalim kasi sa pagtatanong ng investigator ng CICC, sinabi niyang galing sa mga investors niya ang banta at mayroon siyang online investment scheme.

Nang tanungin ng investigator kung may permit siya sa SEC o Securities and Exchange Commission, ay inamin nito mismong hindi sila registered.

Kaya sa halip na maging complainant ay naging suspek pa ito sa scamming.

Ayon kay Albert Palacios Investigator ng CICC, nadiskubreng pyramid investment scam ang ginagawa ng suspek.

Sa ngayon, naka-hold na ang suspek sa Investigation team ng CICC.

Nananawagan din ang CICC sa iba pang nabiktima ng pyramid investment scam na lumantad at magreklamo.

Facebook Comments