BABAENG GURO MULA DAGUPAN CITY, ARESTADO SA KASO NG CHILD ABUSE

Arestado ang isang babaeng guro mula sa Poblacion Oeste sa Dagupan City kaugnay ng kasong child abuse sa isinagawang operasyon ng pulisya, hapon ng Pebrero 24 sa Barangay Tapuac.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Dagupan City Police Office (DCPO), katuwang ang mga tauhan ng Police Station 4, City Investigation and Detective Management Unit, at City Intelligence Unit.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Pebrero 23, 2026 dahil sa paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Inirekomenda ng korte ang piyansang nagkakahalaga ng ₱80,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng DCPO para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kaso.

Kaugnay nito, iginiit ng pulisya ang nagpapatuloy nilang kampanya upang mapanagot ang sinumang lalabag sa batas, lalo na kung kapakanan ng mga bata ang nakataya.

Facebook Comments