Babaeng Hindi Tumupad sa Kasunduang Maayos ang Titulo ng Lupa, Arestado

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga awtoridad ang isang negosyante matapos ireklamo ng kanyang kliyente sa hindi natupad na kasunduan sa pagsasaayos ng mga titulo ng lupa.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PRO2, kinilala ang suspek na si Michelle Galapon, 22-anyos at residente ng Turod, Cordon, Isabela.

Inaresto ang suspek ng magkasanib pwersa ng Cordon Police Station, CIDG Santiago City Field Unit, Provincial Intelligence Unit-Isabela PPO at Regional Intelligence Unit 2.


Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Cordon, ang nahuling suspek ay private secretary ng isang kumpanya na nakabase sa Roxas, Isabela kung saan ito ang nagpoproseso ng mga paglipat ng titulo ng lupa, at pagpapaayos at pagbebenta ng lupa na pagmamay-ari ng isang Evelyn Lalas Canbas kung saan itinayo ito noong taong 2018 at dahil sa pandemya ay naisara ang nasabing kumpanya ngayon taon.

Maraming ang nagreklamong kliyente ng suspek mula pa sa mga probinsya ng Isabela, Nueva Vizcaya at sa Santiago City.

Dalawa pa lamang ang naaresto ng mga operatiba kung saan limang (5) katao ang sinampahan ng kaso na kasalukuyang pinaghahanap pa rin ang iba pang sangkot.

Mahaharap ang suspek sa kasong Syndicated Estafa na nasa kustodiya ngayon ng Cordon PNP na nakatakdang ipasakamay sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Facebook Comments