Isang dating hukom na babae mula sa Iligan City Regional Trial Court ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong mahistrado ng Court of Appeals.
Natanggap na rin ng appelate court ang isang pahinang transmittal letter mula sa Malacañang at nakasaad dito ang appointment ng Pangulo kay Iligan City RTC Judge Anisah Amanodin-Umpa bilang mahistrado ng CA.
Si Judge Umpa ay naging hukom sa Iligan City simula 2001 bilang MTC Judge sa Iligan at na-promote noong 2009 bilang RTC Judge.
Samantala, nanumpa si Justice Umpa kay Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda.
Facebook Comments