Mahigit isang daang Locally Started Individual (LSI) pa ring ang umaasang mapapauwi sa kani-kanilang mga probinsya ang nananatili ngayon sa Heritage Park ng lungsod ng Taguig.
Isa na rito si Jonnalisa Aquino Bayron na papuntang probinsya ng Butuan, isang buntis at manganganak na siya ngayong buwan.
Mahigit isang linggo na siyang nananatili sa Libingan ng mga Bayani pero inilipat naman sila sa Heritage Park sa naturang lungsod.
Kwento niya dahil nagsara ang pinagtatrabahuan niyang lugawan sa Maynila na dulot ng COVID-19 pandemic, walang siyang nagawa kundi ang sumama sa mga LSI na nasa Taguig dahil wala naman siyang kamag-anak dito sa Metro Manila.
Aniya, maraming pangako ang mga taga-Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanila pero tila hanggang mga pangako na lang ito.
Dagdag pa niya, dinala sila Port of Manila pero tinanggihan sila doon kaya ibinalik sila sa bahagi na ng Heritage Park sa Taguig dahil bawal na sila sa may Libingan ng mga Bayani.