
Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng mahigit isang dekada nang nagtatago sa batas dahil sa kasong Estafa at Estafa through Falsification of Public Documents.
Ang babaeng 59 years old ay papuntang Jakarta, Indonesia nang maharang sa Immigration checkpoint ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Base sa ulat, nagtatago na ang suspek mula pa noong 2014 at ngayon ay hawak na ng Manila Police District, Barbosa Police Station 14.
Ito ay habang hinihintay ang paglalagak ng piyansa ng akusado na P40,000 para sa kasong Estafa at P20,000 para sa kasong Estafa through Falsification of Public Documents.
Facebook Comments










