Babaeng may ka-text daw na iba, binaril ng live-in-partner

789

CALAMBA, LAGUNA – Dead on the spot ang isang babae matapos barilin ng kaniyang live-in-partner dahil umano sa matinding selos.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Aileen Diocares.
Ayon sa imbestigasyon, nahuli daw ng security guard na si Ernesto Laurino na may ibang ka-text ang kinakasama.
Mabilisan daw binura ng babae ang mga text message nang mabisto.
Nauwi umano sa matinding sagutan ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa magdilim na raw ang paningin ng suspek.
Naganap raw ang insidente habang nag-iinuman ang dalawa sa kanilang bahay noong Lunes ng madaling araw.
Agad sumuko si Laurino sa kinauukulan at inamin ang nagawang krimen.
Mariin naman itinanggi ng kaanak ng babae ang mga paratang ng salarin.
“Pati sa balita babaliktad mo mama ko… Samantalang wala siyang katext na iba kundi ikaw lang! Hindi lang naman isang beses mo natutukan mama ko ng baril a. Naikwento ng mama ko Yan sa katrabaho niya,” bahagi ng Facebook post ng anak ng biktima.
Labis ang paghingi ng paumanhin ng guwardiya sa pamilya ng babae.
Nakakulong ngayon ang suspek sa Calamba City Police Station at sinampahan ng kasong homicide.
Facebook Comments