Isinailalim na sa inquest proceedings sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office ang isang 53-anyos na babae na nagtangkang mag-claim ng sasakyan gamit ang pekeng dokumento.
Mismong ang mga tauhan ng isang automotive company ang humarang sa tangka ng suspek na pag-claim sa isang sasakyan gamit ang plate number ng isang SUV na pineke ang dokumento.
Nahaharap sa reklamong falsification of documents ang suspek na si Jovy Olicia, Liaison Officer ng Zone 4A Mabuhay St. Peñafrancia, Mayamot, Antipolo City.
Unang nakatanggap ng reklamo ang mga otoridad mula sa Alabang Branch ng CT Citi Motors Inc. hinggil sa pekeng claimant ng sasakyan.
Nabatid na dumating si Olicia at nagpresinta sa marketing department ng nasabing kompanya ng authorization letter ng nakarehistrong may-ari, para kunin ang plate number na NDM-527 ng Mitsubishi Montero 2019 model.
Nang humarap ang suspek sa sales executive,napansin nito ang plate number ay para sa nai-report na carnapped na sasakyan ng isang sterling silver Mitsubishi Montero na pag-aari ng isang Vidalyn Sietereales 42-anyos ng Brgy. San Vicente, San Pedro, Laguna.
Inaalam din ng mga otoridad kung may kinalaman ang suspek sa nakarnap na sasakyan.