Hinuli ng mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) – Anti Human Trafficking Division ang isang babaeng recruiter na nag-aalok ng student visa na nais mangibambansa.
Kinilala ang suspek na si Ranya Yusop.
Ayon kay Atty. Janet Francisco, NBI-Anti Human Trafficking Division Chief, modus ng suspek na pangakuan ng student visa ang kaniyang mga nare-recruit upang mabilis na makahanap ng trabaho .
Ilan lamang sa mahigit sa 30 na na-recruit ng suspek ang nakapagbigay na umano ng tig-P300,000 para makapagtrabo bilang factory worker o hotel cleaner sa Europe.
Ayon sa NBI, karamihan sa mga nabiktima ng suspek ay nabaon na sa utang at nakapagsanla ng kanilang ari-arian, bahay at lupa para lamang makapgbigay ng hinihinging halaga ng suspek.
Gayunman, umabot na ng dalawang taon na paghihintay ng mga complainant pero wala namang napalipad at natulongan ang suspek
Mahaharap ito sa kasong large scale illegal recruitment.