Babaeng nag-viral matapos magsuot ng miniskirt sa Saudi Arabia, pinalaya na

Pinalaya na ng Saudi police ang babaeng nag-viral sa social media matapos mag-suot ng miniskirt.

Matatandaang ikinulong ang babae dahil sa pagsusuot ng miniskirt na mahigpit na ipinagbabawal sa naturang bansa.

Paliwanag ng babae sa awtoridad hindi nila alam na may nagkalat ng kanyang video.


Mahigpit na ipinatutupad sa Saudi ang pagsusuot ng mga kababaihan ng ‘abaya’ kung saan natatakpan ang buo nitong katawan maliban na lamang sa kanilang mukha.
[image: Inline image 1]
Photo from: Khulood / Snapchat

Facebook Comments