Babaeng nagbigay ng 1k sa matandang nasa jeep, viral

1096
Image via Armhyn Garcia Sarmiento on Facebook

Umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang ibinahagi ng isang concerned citizen na larawan kung saan nagbigay ng tulong ang babae sa isang matanda sa jeep.

Sa Facebook post ni Armhyn Garcia Sarmiento, ipinahayag niya ang kabutihang loob ng isang babae na taga-Maligaya San Basilio sa Sta Rita,Pampanga.


Aniya, binigyan ng babae ang isang lola na 70 anyos ng isang libo bilang tulong nito. Nagtitinda raw kasi ang matanda hanggang alas-otso ng gabi.

Hindi rin nakakatanggap ng pension ang lola lalo na’t PWD ito (Person with Disability). Idinulog na ito ng lola sa awtoridad ngunit walang responde sa kaniya.

Nagbigay naman ng inspirasyon sa mga netizen ang munting tulong ng babae sa matanda. Tinuturing naman siya ng mga netizen na ‘good samaritan.’

Facebook Comments

From Advertisers