Isang babae ang natulungan ng mga pulis sa San Jacinto, Pangasinan matapos itong mamataang palakad-lakad na tila wala sa kanyang sarili at huling nakitang pumasok sa simbahan.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) upang beripikahin ang ulat at saklolohan ang naturang babae.
Ayon sa babae, bigla siyang nakaramdam ng pagkalito at medyo nahimasmasan lamang nang makarating sa simbahan.
Agad siyang tinulungan ng mga pulis at nakontak ang kanyang mga kaanak, na siyang nagsundo at ligtas na nag-uwi sa kanya sa Brgy. Labney, San Jacinto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









