Babaeng nagmamaneho, patay matapos mabaril ng 4-anyos na batang nasa backseat

456
(Photo: Pixabay)

ILLINOIS, US – Aksidenteng nabaril ng 4-anyos na paslit ang babaeng nagmamaneho sa sakay nilang kotse sa Georgetown Road sa Tilton, Illinos noong Linggo.

Sa report ng The News-Gazzette, nagmamaneho noon ang biktimang si Marita Hile, 64, nang biglang tumama ang sasakyan nito sa sign board sa isang gas station.


Bandang 12:30 pm nang mangyari ang insidente kaya dali-dali raw tinakbo ng mga nakasaksi ang kotse kung saan tumambad ang duguang ginang.

Isang bata ang namataang nakaupo sa likod hawak ang isang baril base sa ulat ng County Sheriff’s Office.

Dahil sa tinamong pinsala ay dinala sa Carle Foundation Hospital ang biktima kung saan siya idineklarang patay eksaktong 1:22 pm.

Sa inilabas na pahayag ng pulisya, nakaupo sa backseat ang bata nang aksidente nitong mabaril si Hile na tinamaan sa likuran.




Naiulat na walang ibang sakay ang kotse bukod sa dalawa na pinaniniwalaang magkamag-anak.

Patuloy namang iniimbestigahan kung paano napunta sa bata ang baril.

Facebook Comments