Babaeng Nagnakaw sa Isang Supermarket, Bistado!

40

Roxas, Isabela – Bistado ang isang babae matapos magnakaw sa isang supermarket sa Centro Roxas, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Rhea Mae Trinidad, bente nuwebe taong gulang, at residente ng Barangay Maligaya, Mallig, Isabela.
Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team, aktong inilalagay umano ni Trinidad ang isang bote ng alak na 4 by 4 na nagkakahalaga ng 79 pesos, roundspot o bilog na may halagang 39.25 pesos sa kanyang bag ng makita ito ng nagbabantay sa CCTV.
Samantala, dali-dali naman umano itong hinarang ng guwardiya na nagbabantay at doon ay nakuha mula sa kanyang bag ang mga ninakaw na alak.
Agad namang dinala ang suspek sa kustodiya ng PNP Roxas para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments