Manila, Philippines – Dinakip ng mga kasapi ng National Bureau of Investigation sa Bacolod City kahapon ang isang babaeng nagpanggap na doktor.
Ayon kay NBI Bacolod agent in-charge Renoir Baldovino na kanilang hinuli ang suspek na si Michaela Temporosa ng for life research Philippines matapos itong ireklamo ng kanyang dating business partner/investor na si Analyn Ordaniel.
Sa pamamagitan ng entrapment operations, nahuli si Temporosa na nag-issue ng riseta ng gamut sa mga ahente ng NBI na nagpanggap na pasyente.
Kaagad na na-inquest ang kasong violation ng medical act of 1965 na isinampa laban sa suspek matapos na nag issue ng certification ang philippine regulations commission na wala sa listahan ng mga doktor si Temporosa.
Nakalaya sa ngayon ang suspek matapos itong makapagbayad ng piyansa.