Babaeng nagre-recruit ng foreign at local nationals para sumuporta sa Maute-ISIS Group, iprinisinta

Manila, Philippines – Iprinisinta sa media ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang babaeng nagre-recruit ng mga foreign nationals at locals para sumanib sa Maute-ISIS terrorist sa Marawi City.

Kinilala ni Aguirre ang naarestong suspected terrorist sympathizer na si Karen Aizha Hamidon, 36 years old.

Si Hamidon ay maybahay ni Mohammad Jaafar Maguid alyas Tokboy at Abu Sharifa na dating lider ng Ansar Khalifa Philippines.


Ang nasabing grupo ay responsable sa pagpapasabog sa Davao City night market noong Sept. 2016.

Si Hamidon ay naging person of interest matapos na makumpirma ang matagumpay na pagrecruit nito ng Indian nationals para pumunta sa Pilipinas at lumahok sa radical Islamic extremist groups sa Mindanao.

Ayon kay Aguirre, bukod sa pagiging dating asawa ni Singaporean ISIS member Muhammad Shamin Mohammed Sidek, si Karen Aizha Hamidon ay kaalyado rin ni Musa Cerantonio na isang Australian Islamist preacher at maraming nahikayat na dayuhan para sumanib sa ISIS.

SI Hamidon ay naaresto ng NBI Counter Terrorism Division sa kanyang bahay sa Taguig City noong Oct 11,2017 sa bisa ng Search Warrant.

Facebook Comments