
Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Aviation Security Unit, Bureau of Immigration, at Manila Police District (MPD) ang isang babaeng may kasong Qualified Theft sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Batay sa ulat, patungo sana sa Taipei ang suspek nang harangin ito ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) matapos lumabas sa beripikasyon na siya ay may active na warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court ng Maynila para sa nasabing kaso.
Sa pakikipag-ugnayan ng mga tauhan ng AVSEU NCR sa Barbosa Police Station 14, isinagawa ang joint-service of warrant operation na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa nasabing indibidwal sa final departure area ng paliparan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa karampatang dokumentasyon at disposisyon.









