Binawian ng buhay ang isang ginang matapos makuryente habang naglalaba sa isang bahay sa Brgy. Caloocan Sur, Binmaley, Pangasinan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Binmaley Police Station Deputy Chief of Police PCapt. Alexander Supsupin, aksidente umanong nahawakan ng biktima ang nakalantad na wire ng extension cord habang naglalaba sa washing machine sa bahay ng kanyang amo.
Dahil dito, nakuryente ang biktima at nagtamo ng paso sa kanyang kamay bago humandusay.
Ayon sa opisyal, posibleng tignan kung mayroon nga bang pananagutan ang may-ari ng bahay sa aksidente.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









