
Arestado ang isang 30-anyos na babae na may 40 arrest warrants sa kasong qualified theft matapos malulong sa online gambling na scatter.
Ayon kay Police Station 10 commander PCapt. Glen Montaño, mismong employer ng babae ang nagsampa ng kaso laban dito matapos madiskubre na ginamit nito sa online gambling ang tinatayang P800,000 hangang P900,000 na koleksyon mula sa kanilang mga kliyente.
Napag-alaman din na dinodoktor nito ang mga dokumento kaya hindi kaagad nadiskubre ang kanyang ginagawa.
Dagdag pa ni PCapt. Montaño, inamin naman ng empleyado na nalulong ito sa online gambling kaya nagamit nito ang pera ng kanilang kompanya.
Posibleng aabot naman sa P1-M ang piyansa ng babae para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Facebook Comments









