Babaeng naninigarilyo habang may nakakabit na oxygen, patay nang sumabog ang tangke

2687

Nasawi ang isang 61-anyos babae sa North Carolina matapos manigarilyo habang konektado sa oxygen tank.


Kinilala ang biktima na si Belinda Coble na agad binawian ng buhay sa insidente noong Martes ng umaga sa kanilang bahay sa Zebulon, ayon sa WNCN.

Nag-apoy at sumabog ang tangkeng para sa kondisyong medikal ni Coble sanhi ng sigarilyo, batay sa awtoridad.

Natutulog noon ang mister ng biktima na nagising sa pagsabog at smoke alarm.

Tumawag sa 911 ang mister at sinubukan pang apulahin ang apoy.

Idineklarang patay si Coble pagdating ng awtoridad.

Facebook Comments