Babaeng nasa likod ng online illegal recruitment, arestado

Hawak na ngayon ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang babaeng itinuturong nasa likod ng online illegal recruitment.

Kinilala ni PNP-ACG Public Information Office Chief, P/Maj. Michelle Sabino ang suspek na si Zebediah Dassun alyas Ejang Dassun.

Si Dassun ay isinailalim sa citizens arrest ng nasa 30 niyang nabiktima sa loob mismo ng Kampo Krame.


Batay sa salaysay ng mga biktima, inalok sila ng trabaho ng suspek na nagpapakilalang CEO ng Z Dreamer Nihonggo Learning Center Agency.

Modus nitong hingan ng placement fee ang kanyang mga biktima sa halagang P50,000 hanggang P250,000 kapalit ng pangakong trabaho at sweldong aabot umano sa P80,000 – P100,000 kada buwan.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa patong patong na kaso tulad ng illegal recruitment, large scale estafa at paglabag sa Cybercrime Prevention Law.

Facebook Comments