
Arestado ang isang babaeng pasahero mula Bangkok matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng NAIA Police Station 1, Aviation Security Unit–NCR, at Southern Police District ng NCRPO.
Ayon kay Philippine National Police Aviation Security Group o PNP-AVSEGROUP, ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court ng Pasay dahil sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Southern Police District sa Taguig City ang akusado para sa dokumentasyon at karagdagang proseso sa korte.
Facebook Comments









