Babaeng pasahero ng LRT-1 sa Doroteo Jose station, tumalon sa riles ng tren

Kinumpirma ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation na may isang babaeng tumalon sa riles ng tren kaninang tanghali.

Ayon sa ulat, bumaba ang babaeng pasahero sa riles ng LRT-1 Doroteo Jose Station southbound habang papalapit ang tren.

Nangyari ang insidente kaninang alas-12:42 ng tanghali at nagresulta sa suspensiyon ng operasyon ng tren.


Ligtas naman ang babae dahil agad nakapagpreno ang tren.

Sa ngayon ay magkakasa na ng imbestigasyon ang pamunuan kaugnay sa nangyaring insidente.

Facebook Comments