Babaeng pasahero ng MRT-3 na nag-selfie nang walang suot na face mask at face shield, kakasuhan

Tinitiyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit 3 na kakasuhan nila ang babaeng pasahero na nag-selfie nang walang suot na face mask at face shield habang sakay ng tren.

Ito ang tiniyak ng MRT-3 matapos mag-viral sa Facebook ang kuhang video ng babaeng pasahero.

Nilabag umano nito ang health at safety protocols sa pagsakay sa pampublikong transportasyon na mahigpit na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force.


Tinutukoy na ang pagkakakilanlan ng babae sa video kasabay ng imbestigasyon kung may pagkukulang din sa parte ng transport marshall na naka-duty sa tren.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero na sumunod sa health protocols sa loob ng tren at maging mahinahon at sumunod sa paalala ng mga transport marshals.

Facebook Comments