Babaeng pedestrian na nahagip ng bus sa EDSA busway, ginagamot na sa ospital

58

Ginagamot na ngayon sa Quezon City Medical Center ang babaeng pedestrian na nabundol ng bus sa EDSA north – bound Balintawak bus way.

Lumilitaw na tama sa ulo ang tinamong sugat ng babae na hindi pa nakikilala.


Ito ay nakasuot ng puting damit na pang itaas at maong na shorts.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) traffic sector 1 ang driver ng ES Transport bus na may plakang NBR 8378 na si Nestro Cabigan.

Facebook Comments