BROOKLYN, New York – Isang babaeng preso ang naghain ng demanda laban sa New York Police Department (NYPD) nito lamang Huwebes dahil sa alegasyon nang pamomosas sa kanya kahit sa kanya mismong panganganak.
Inaresto noong 2018 ang 21-anyos babae sa Brooklyn’s 75th precinct dahil umano sa isang maliit na kasalanan.
Mahigit isang taon na siyang nakakulong dito hanggang sa siya ay mabuntis at abutan nang panganganak sa loob ng kulungan.
Ayon sa kanyang isinumiteng reklamo sa Brooklyn Federal Court, nakaposas umano siyang inilagay sa stretcher sa loob ng ambulansya patungong Kings County Hospital.
Hindi raw dito natapos ang pamomososas dahil hanggang delivery bed ay mistula raw siyang nakakulong pa rin.
Nanganak umano siyang nakaposas at na naging mahirap umano para makarga ang kanyang sanggol.
Matapoos siyang magsilang, itinali pabalik sa higaan ang kanyang kamay rason para mahirapan siyang pasusuhin ang bata.
Sabi niya sa panayam ng Daily News, “I’m about to give birth, where am I going? I can’t run. I was sad because I know that was against the law, like you cannot do that and they did it anyways.”
Dagdag niya, naiwan daw siya sa loob ng delivery room kasama ang isang nurse at hindi niya man lang daw magawang makita ang kanyang pamilya sa labas ng kwarto.
“I asked the nurse, can you hold my hand?” kwento niya.
Samantala, sa huli ay natapos at natanggal na ang reklamo sa babae ayon sa kanyang abogado.
Kasalukuyan umanong nahihirapan ito dahil sa idinulot na emotional distress at physical injuries ng nangyaring insidente.