Babaeng preso sa Binan, nasawi dahil sa hinihinalang kaso ng Meningococcemia

Isang babaeng preso sa Biñan, Laguna ang nasawi dahil sa hinihinalang Meningococcemia.

March 31 nang naaresto ang 23-anyos na babae dahil sa pagsusugal.

Pero sabado ng madaling araw, isinugod siya sa ospital matapos makaranas ng mga sintomas ng nasabing sakit at agad na inilipat sa Research Institute For Tropical Medicine (RITM).


Makalipas ang ilang oras, namatay ang detainee pero wala pang kumpirmasyon mula sa DOH at RITM kung ano ang totoong sanhi ng pagkamatay nito.

Bilang pag-iingat, pansamantalang isinara sa mga bisita ang lahat ng pasilidad sa kulungan.

Agad din namang binigyan ng mga face mask at gamot ang lahat ng mga bilanggo at pulis na naka-assign sa Police Community Precinct 3.

Facebook Comments