Babaeng pulis na may kareslasyon sa isang Abu Sayaff member, ikinulong na sa PNP Custodial Center

Manila, Philippines – Ikinulong na sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame si Supt. Maria Cristina Nobleza dahil sa pagkakaugnay at pakikipagrelasyon sa miyembro ng Abu Sayaff na si Reener Lou Dongon.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa – sinibak na sa pwesto si Nobleza bilang deputy regional chief ng crime laboratory ng PNP region 11.

Kasama rin aniya ni Nobleza na ikunulong sa custodial center si Dongon.


Sinabi rin ni Dela Rosa na may inamin na si Nobleza sa imbestigasyon.

Ang tinutukoy ni Dela Rosa na ‘Saad’ ay isang miyembro ng Abu Sayaff.

Narekober sa bahay ni Nobleza sa Malaybalay, Bukidnon ang isang m16 rifle, isang kalibre-22 na baril at sari-saring sangkap na paggawa ng bomba.

Pero hindi naniniwala si Dela Rosa na miyembro na ng Abu Sayaff si Nobleza.

Sisimulan na rin ang internal investigation laban kay Nobleza kung saan patung-patong na kaso ang haharapin nito.
DZXL558

Facebook Comments