Babaeng pulis nadagdag sa mga nasawi dahil sa COVID-19

15

Isa na namang pulis ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ito ang iniulat ng PNP Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF).


Kaya naman umabot na sa 30 kabuaang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Ang huling namatay ay isang 32 anyos na babaeng administrative staff mula sa NCRPO na namatay sa Acute Respiratory Distress Syndrome dahil Sa COVID-19, matapos na sumailalim sa cesarian operation.

Samantala, mula nang magsimula ang pandemya ay umabot na sa 10,481 tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19, kung saan 9,888 ang nakarekober.

Bumaba naman ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP na umabot na lang sa 563 kahapon mula sa 649 kamakalawa.




Facebook Comments