Babaeng Pusher Huli sa Buy Bust

Gamu, Isabela – Arestado ang isang babaeng pusher sa isang buy bust operation na isainagawa ng pinagsamang elemento PDEA RO II at Gamu Police Station.

Ang drug buy bust operation ay nagresulta sa pagkakaaresto ni Genevie Allapitan y Dalupang, 35 taong gulang at residente ng Calalabangan, Barangay Upi, Gamu, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 DWKD RMN Cauayn News Team mula sa PDEA Region 2, isinagawa ang kunwaring pagbili ng droga mula sa suspek noong August 13, 2017 ng 11:45 ng umaga.


Naging positibo naman ang operasyon at nagdulot ng pagkakakumpiska ng isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu. Tinatayang ang sachet ay may halagang isang libong piso (Php1,000.00).

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) ng RA 9165 laban sa suspek.

.

Facebook Comments